Posts

Boses ng Pinagmulan at Pagkakakilanlan

Boses ng Pinagmulan at Pagkakakilanlan Bilang magaaral na may pake sa maaring kalalabasan ng pagaalis ng Mother Tounge bilang isang subject sa paaralang elementarya, ito'y nagreresulta saaking ng matinding pagkabahala, dahil saaking paniniwala at aking natutunan sa aking guro, ang Mother Tounge ay hindi lamang basta isang wika o Subject sa paaralan. Ito ay ang nagbibigay saatin ng pundasyon para tayo ay mabigyan ng pagkakakilanlan at kultura. Ang pagkawala ng isang kinikilalang katutubong wika o ang Mother Tounge bilang subject ay may kaakibat na malakihang epekto at malakihang kawalan , hindi lang sa mga taong sinasalita ito, hindi lamang sa buong bansa kung hindi sa buong mundo. Ang pagkawala o pagaalis ng isang katutubong wika sa pagtuturo ay isa ring pagaalis ng ating aking kultura, kasaysayan at sarili nating identidad bilang isang mamamayang pilipino. Sa pag-aalis nang Mother Tounge, ako ay napakadaming thoughts ukol dito. Natatakot ako na baka mawalan ng oportunidad ang mga ...